Urticaria

Balat | Dermatolohiya | Urticaria (Symptom)


Paglalarawan

Ang urticaria ay isang sakit sa balat na mailalarawan sa edematous na pagsusugat sa balat, defined contours at erythematous halo, kadalasang panandalian lamang at nagbabago. Ang pantal nito ay may kasamang pangangati. Kapag ang isang tao ay mayroong allergic reaction sa isang materyal, ang katawan nito ay naglalabas ng histamine at iba pang mga kemikal papunta sa daluyan ng dugo, na nakapagdudulot ng pangangati, pamamaga at iba pang mga sintomas.

Ang urticaria ay isang karaniwang reaksyon, lalo na kapag ang isang tao ay may alerdye na katulad ng hay fever. Kapag may nangyaring pamamaga o pagpapantal sa palibot ng mukha, labi at mga mata, ito ay tinatawag na angioedema. Ang pamamagang nagmula sa angioedema ay maaari ring mangyari sa palibot ng kamay, paa at lalamunan. May ilang mga materyal ang nakakapagbigay motibo upang lumabas ang mga pantal, ito ay ang: Animal dander (lalo na sa mga pusa), insect stings, drugs, pollen, shellfish, isda, mani, itlog, gatas at iba pang mga pagkain.

Mga Sanhi

Ang mga pantal ay kadalasang dulot ng allergic reactions. Ngunit, mayroon ring mga non-allergic causes. Karamihan sa mga kaso ng pantal na nagtatagal ng mababa sa anim na linggo (acute urticaria) ay resulta ng allergic trigger. Ang chronic urticaria (mga pantal na tumatagal ng anim na linggo pataas) ay bihirang dahil sa allergy. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».