Pagbawas ng Timbang o Kaloriya


Heneral at iba | Pangkalahatang Pagsasanay | Pagbawas ng Timbang o Kaloriya (Symptom)


Paglalarawan

Ang timbang ng tao ay tinutukoy ng dami ng enerhiya sa pagkain at dami ng enerhiya na kinukonsumo sa pang-araw-araw ng mga gawain. Ang enerhiya ay sinusukat sa mga kaloriya. Kung ang timbang ng tao ay manatiling hindi nagbabago, malamang na siya ay kumakain ng parehong dami ng kaloriya araw-araw. Kung ang isang tao ay mabagal na nadadagdagan ng timbang, sa paglipas ng panahon, ang tinatanggap na kaloriya ay mas marami kaysa sa dami ng kaysa sa nasusubog sa pang-araw-araw na mga gawain.

Pagsusuri at Paggagamot

Pwedeng kontrolin ng kahit sino ang dami ng pagkain na kanilang kinakain araw-araw, kaya naman ang mga kaloriyang tinatanggap ay talagang napapangasiwaan.

Pwede ring kontrolin ng tao ang produksyon ng enerhiya o kaloriya na nasusunog kada araw. Ang mga kaloriyang kinakain araw-araw ay depende sa bilis ng basal metabolic, dami ng kaloriyang nasusunog kada oras at pisikal na lebel ng gawain. Ang mga taong mayroong trabahong mayroong mabigat na pisikal na pwersa ay natural na nakakasunog ng mas maraming kaloriya sa isang araw kaysa isang taong nakaupo lamang sa isang buong araw.

Para sa mga taong mayroong trabahong nangangailangan ng matinding pisikal na aktibidad, ang ehersisyo o maraming pisikal na gawain ay pwedeng magpataas sa bilang ng mga kaloriyang nasusunog. Bilang tantya, ang katamtamang babaeng may edad na 31-50 na mayroong lagging nakaupong pamumuhay ay nangangailangan ng 1,800 kaloriya kada araw upang mapanatili ang malusog na timbang. Ang lalaki ay nangangailangan ng halos 2,200 kaloriya.

Ang partipasyon sa katamtamang pisikal na gawain (ehersisyo ng tatlo hanggang limang beses kada linggo) ay mayroong kaakibat na 200 na sobrang kaloriya kada araw. Ang pinakaepektibong paraan upang mabawasan ang timbang ay ang pagbabawas ng dami ng mga kaloriyang kinukonsumo habang tinataasan ang dami ng kaloriyang sinusunog sa pamamagitan ng pisikal na gawain. Upang mabawasan ng 1 kg, kinakailangan ang paggasta ng halos 3,500 na kaloriya. Posible itong gawin sa pamamagitan ng pagbabawas sa kinakain o sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawaing pisikal. ...